Ang iyong mga karapatan bilang isang empleyado

Para sa counseling at suporta, makipag-ugnayan lamang sa Danish Centre against Human trafficking. Kung gusto mo ay maaari mo kaming kontakin nang hindi ka nagpapakilala. Tumawag sa aming hotline: (+45) 7020 2550. Oras ng pagbubukas: weekdays 9-15 pati na rin ang weekends at holidays: 9-15. Nagsasalita kami ng Ingles at Danish, at maaari kaming kumuha ng interpreter, kung kinakailangan.

Kung hindi ka nagsasalita ng Danish o Ingles, maaari kang sumulat sa iyong wika at i-email ito sa: sikkermail.menneskehandel@sbst.dk. Ang email mo ay isasalin sa aming wika at maaari ka naming kontakin kasama ang isang interpreter. 

Maaari mong basahin nang detalyado ang tungkol sa iyong mga karapatan sa workplacedenmark.dk. Sa site na ito, makahahanap ka ng karagdagang impormasyon sa mga lebel ng sahod at kondisyon para sa iba't ibang uri ng trabaho. Sa ibaba, makikita mo ang buod ng kalagayan ng Danish labour market.

Mga lebel ng sahod at karapatan

Palaging obligado ang employer na bayaran ang sahod/suweldong inyong napagkasunduan. Walang minimum wage sa Denmark, ngunit may mga collective agreements (kolektibong kasunduan) na nagtatakda sa antas ng sahod. Ang batas sa labor market ay sumasaklaw sa mga partikular na aspekto, tulad ng kalusugan at kaligtasan, karapatan sa bakasyon, mga benepisyo kapag nagkakasakit, pantay na pagtrato at pasahod.

Lahat ng mga empleyado sa mga lugar na pinagtatrabahuhan sa Denmark ay may mga karapatan. Ang mga karapatan mo ay kaparehas ng tinatamasa ng mga kasamahan mong Danish na gumagawa ng parehong uri ng trabahong katulad ng sa iyo, kung nagtratrabaho ka para sa isang kompanyang nasasakop ng collective agreement sa Denmark.

Mga unyon

May karapatan ang trade unions na wakasan ang collective agreement sa mga employer at organisasyon ng mga employer. Ang pagiging organisado sa isang trade union ay isang pangunahing karapatan sa Denmark. Maraming mga empleyado sa Denmark ay miyembro ng trade union.  Ang pagsali sa unyon ay hindi isang legal na pangangailangan – ito ay boluntaryo. Hindi maaaring obligahin ng employer ang empleyado na magmiyembro sa isang partikular na trade union. Karaniwan, natutukoy ang trade unions ayon sa kasanayan at uri ng trabaho.

Kalusugan at kaligtasan

Ang mga regulasyon ng Denmark tungkol sa kalusugan at kaligtasan sa pinagtatrabahuhan ay angkop din sa lahat ng mga empleyadong nagtatrabaho sa Denmark – ano pa man ang haba ng panahon.

Responsibilidad ng employer na tiyakin na ang lahat ng kanilang mga empleyado ay nagtatrabaho sa ilalim ng katanggap-tanggap, ligtas at malusog na kondisyon.

Responsibilidad ng mga empleyado na sundin ang lahat ng security regulations, halimbawa tungkol sa paghawak ng mga makina o mga mapanganib na sangkap, o mga pangangailangan ng mga protective equipment, tulad ng respiratory protection, hearing protection at protective gloves.

Mga Kontrata

Ang lahat ng mga empleyadong nagtatrabaho ng higit sa walong oras kada linggo ay dapat magkaroon ng employment contract sa loob ng hindi bababa sa isang buwan matapos ma-employ. Ang kontrata ay dapat maglarawan ng uri ng trabaho, lingguhang oras ng trabaho, sahod at mga bonus, abiso sa pagtapos ng kontrata, atbp.

Oras ng trabaho

Sa Denmark, ang karaniwang oras ng trabaho ay 37 oras kada linggo sa isang regular na trabaho sa pribado o pampublikong sektor. Ang lingguhang oras ng trabaho ay kadalasang mas mababa sa 37 oras kung ang trabaho ay nangangailangan na magtrabaho sa mga shift o sa gabi. Dapat na organisado ang oras ng trabaho upang magkaroon ang mga empleyado ng pahinga na hindi bababa sa 11 na magkakasunod na oras sa bawat 24 na oras. Sa bawat period ng 7 araw, ang mga empleyado ay dapat magkaroon ng isang araw na pahinga, na dapat na kaagad na nakakabit sa araw-araw na panahon ng pahinga. Ang lingguhang araw ng pahinga ay dapat, hangga't maaari, mangyari tuwing Linggo at, hangga't maaari, sa parehong oras para sa lahat ng empleyado sa kumpanya.

Holidays

Ang Holiday Act ay karaniwang sakop lahat ng mga empleyado na nagtatrabaho sa Denmark. Dapat sundin ng employer ang Holiday Act, at hindi maaaring balewalain ng isang empleyado ang kanyang karapatan sa bakasyon. Kumikita ng mga dalawang araw na bakasyon bawat buwan ng trabaho ang isang empleyado. Lahat ng mga empleyado ay may karapatang magkaroon ng 25 araw ng bakasyon sa buong taon ng pagtatrabaho – kahit na hindi pa nagkakaroon ng paid holiday.

Terminasyon

Bilang isang empleyadong sakop ng collective agreeement, maaaring may pagbabawal sa terminasyon nang walang tama at totoong dahilan, halimbawa ay kung hindi angkop ang empleyado sa trabaho, o kung kinakailangan siyang tanggalin dahil sa pagtitipid.

Hindi maaaring tanggalin ng employer ang empleyado dahil sa kasarian, lahi, kulay ng balat, relihiyon o pananampalataya, paninindigang pampolitika, sekswal na oryentatsyon, edad, kapansanan, o pinagmulang bansa, uri, o etnisidad. Gayundin, ilegal na tanggalin ang isang empleyado dahil sa pagbubuntis o parental leave.

Bukod dito, hindi maaaring tanggalin ang isang empleyado dahil miyembro siya ng unyon o pinili niyang huwag magmiyembro, o dahil hindi siya miyembro ng unyon ng kanyang mga katrabaho.

Para sa counseling at suporta, makipag-ugnayan lamang sa Danish Centre against Human trafficking. Kung gusto mo ay maaari mo kaming kontakin nang hindi ka nagpapakilala. Tumawag sa aming hotline: (+45) 7020 2550. Oras ng pagbubukas: weekdays 9-15 pati na rin ang weekends at holidays: 9-15. Nagsasalita kami ng Ingles at Danish, at maaari kaming kumuha ng interpreter, kung kinakailangan.

Kung hindi ka nagsasalita ng Danish o Ingles, maaari kang sumulat sa iyong wika at i-email ito sa: sikkermail.menneskehandel@sbst.dk. Ang email mo ay isasalin sa aming wika at maaari ka naming kontakin kasama ang isang interpreter.