Sinasamantala ka ba employer mo?

Ang pananamantala sa anyo ng human trafficking (pangangalakal ng tao) ay isang krimen at paglabag sa mga pangunahing karapatang pantao. Kung sinasamantala ka sa iyong pinagtatrabahuhan, maaari kang matulungang umalis at makatanggap ng suporta mula sa estado ng Denmark.

Ang ilan ba sa mga pahayag na ito ay katugma ng sitwasyon mo?

Kalagayan sa trabaho at pamumuhay

  • Wala kang kontrata o pinilit kang pumirma ng kontrata.
  • Ang kontratang pinirmahan mo ay nasa wikang hindi mo maintindihan.
  • Ang suweldong natatanggap mo ay hindi katulad ng sinabi sa iyo na matatanggap mo kapag tinanggap mo ang alok na trabaho.
  • Inaasahan kang magtrabaho nang mahabang oras na lampas sa nakasaad sa kontrata.
  • Nagtatrabaho ka sa mga sitwasyong masama sa kalusugan o mapanganib.
  • Hindi ka nakatatanggap ng suweldo o napakababa ng suweldo mo.
  • Malaking bahagi ng suweldo mo ang ibinabalik mo sa iyong employer o kinakaltas sa iyong paycheck.
  • Hindi mabuti ang kalagayan tinitirhan mo (walang privacy, marumi ang paligid, sa lugar na pinagtatrabahuhan mo, atbp.).

Mga Banta

  • Pinagbabantaaan ka ng employer mo na tatanggalin ka sa trabaho nang walang bayad o isusumbong ka sa mga awtoridad kung magrereklamo ka tungkol sa kalagayan mo sa trabaho, o kung kokontak ka ng trade union (unyon ng mga manggagawa) tulad ng 3F.
  • Ikaw o ang pamilya mo ay pinagbabantaan ng iyong employer o ng kanilang mga kasamahan.
  • Sinabihan kang may malaki kang utang sa taong nagpasok sa iyo sa trabaho (halimbawa, para sa paghahanda sa biyahe).
  • Natatakot ka sa mga banta, karahasan, o iba pang mangyayari kung hindi ka magbabayad.

Limitasyon sa pagkilos

  • Pinipilit ng employer mo o ng mga kinatawan niya na sila ang dapat magsalita para sa iyo kapag halimbawa ay nakikipag-usap sa mga awtoridad at/o mga bangko.
  • Sinusubaybayan ka, halimbawa sa pamamagitan ng GPS sa iyong telepono o sa pamamagitan ng mga kamera sa mga lugar na pinagtatrabahuhan o tinitirhan mo.
  • Hindi ka pinapayagang pumunta sa doktor o ospital kung may karamdaman o sakit ka.
  • Kinuha mula sa iyo ang mga dokumento ng iyong pagkakakilanlan.
  • Wala kang kontrol sa NemID o MitID mo.

Kung ilan sa mga sitwasyong ito ay tumutugma sa iyo, maaaring biktima ka ng human trafficking.

Kung biktima ka ng human trafficking, maaari ka naming alukin ng:

  • Proteksiyon at pansamantalang matutuluyan
  • Medikal na tulong
  • Psychological na suporta
  • Legal na tulong
  • Tulong sa pagkontak sa iyong pamilya o mga organisasyon sa iyong pinagmulang bansa o bansang tinitirhan
  • Tulong na makabalik sa iyong pinagmulang bansa o bansang tinitirhan, kasama ang pinansiyal na suporta sa loob ng anim na buwan matapos ang iyong pagbabalik
  • Ang non-EU citizens ay may karapatang manatili sa Denmark nang hanggang 120 araw upang makapaghanda sa kanilang pagbabalik at makapagpasya kung nais nilang makipagtulungan sa mga awtoridad.

 

Para sa counseling at suporta, makipag-ugnayan lamang sa Danish Centre against Human trafficking. Kung gusto mo ay maaari mo kaming kontakin nang hindi ka nagpapakilala. Tumawag sa aming hotline: (+45) 7020 2550. Oras ng pagbubukas: weekdays 9-15 pati na rin ang weekends at holidays: 9-15. Nagsasalita kami ng Ingles at Danish, at maaari kaming kumuha ng interpreter, kung kinakailangan.

Kung hindi ka nagsasalita ng Danish o Ingles, maaari kang sumulat sa iyong wika at i-email ito sa: sikkermail.menneskehandel@sbst.dk. Ang email mo ay isasalin sa aming wika at maaari ka naming kontakin kasama ang isang interpreter.